3 prosecutor, sinuspinde ng DOJ dahil sa korupsyon

Inquirer file photo

Pinatawan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ng 60 araw na preventive suspension ang tatlong prosecutor dahil sa pagkakadawit sa korupsyon.

Kabilang sa mga nasuspinde sina Pasay City prosecutor Benjamin Lanto, Inquest prosecutor Clementine Villanueva at Assistant prosecutor Florencio Dela Cruz.

Nahaharap din sa kaso ang tatlo sa Department of Justice Internal Affairs Unit dahil sa gross neglect of duty, gross incompetence at inefficiency.

Nasangkot ang tatlo sa pag-release sa mga suspek na dawit sa smuggling ng alahas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Matatandaang noong Mayo 5, naaresto sina Customs operations officer Lomonto Macabando at ang mag-asawang Abraham at Bang sa Mimbalawang dahil sa pagpupuslit ng mga alahas na nagkakahalaga ng P3 milyon.

Binibigyan ang tatlong prosecutor ng 10 araw para magsumite ng sagot sa internal affairs unit ng National Prosecutors Service.

Read more...