Lalaki arestado sa pagnanakw ng kable ng kuryente ng LRT -2; Kasabwat, nakatakas
Arestado ang isang lalaki dahil sa pagnanakaw ng mga kable ng kuryente na pag-aari ng LRT Line-2.
Batay sa salaysay ng complainant na si Alex Balbino, ang kinatawan ng LRT Line- 2, naaktuhan ng kanilang mga security guard sa Pureza Station, Sta. Mesa, Manila ang mga suspek na sina Bernardo Rono, 48-anyos at isang nagngangalang alyas “Jessie” habang pilit na hinahatak ang pinutol na bahagi ng kable ng kuryente ng LRT Line-2.
Nangyari ang insidente pasado alas 3:42 hapon ng Sabado sa LRT line-2 Pureza Station sa Ramon Maagsaysay Boulevard, Sta.Mesa.
Agad na inaresto ng guwardiya na si Alsagen Radi ang suspek na si Rono habang nakatakas naman ang kasabwat nito sa pagnanakaw na si alyas “Jessie.”
Narekober mula sa suspek ang isang piraso ng lagaring bakal at ilang piraso ng tanso o copper wire na inomit ng mga suspek.
Patuloy naman na tinutugis ng operatiba ng Sta. Mesa Police Station-8 ang nakatakas na suspek habang nakapiit na si Rono sa himpilan ng pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.