Nanganganib na masampahan ng kasong graft and corruption at matanggal sa puwesto ang ilang opisyal ng Nueva Ecija.
Ito’y sa sandaling mapatunayang nagkaroon ng katiwalian at iregularidad sa pagpapatupad, koleksiyon at distribusyon ng buwis sa quarrying operations sa Nueve Ecija.
Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan na ng House committee on Good Government and Public Accountability na pinamumunuan ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang umano’y iregularidad sa quarry sa Nueva Ecija.
Nauna na ring nagsagawa ng privilege speech si Nueva Ecija Congresswoman Ria Vergara bunsod ng nasabing anomalya na naging basehan ng resolusyon bilang 1505 na inihain nito kasama sina Reps. Micaela Violago, Magnolia Antonino at Arnolfo Teves, Jr. na humihiling sa Kongreso na imbestigahan ang nasabing katiwalian.
Ayon kay Congresswoman Vergara, kinakailangang mabusisi kung tama ba ang nakokolektang buwis ng Nueva Ecija mula sa quarrying.
Bukod pa rito, sa pagdinig ay naisiwalat ni Vergara gamit ang mga numero na galing sa ilang opisal sa probinsya na pawang isang truck lamang sa isang quarry site sa isang araw ang bumabaybay sa Nueva Ecija.
Ito ay imposible kung susumahin lahat ng mga itinatayong gusali at ginagawang daan sa Nueva Ecija na tiyak na gumamit at nangangailangan ng materyales galing sa quarry sites.
Matatandaang sa unang pagdinig noong ika-20 ng Pebrero 2018 ay natuklasan mula sa pagtatanong ni Vergara at ng ilang kongresista sa dating Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) head na si Engr. Lope Carino na ni isang aplikasyon para sa quarry permit ay hindi dumaan sa PMRB na siyang nagsusuri sa kakayahan at mga dokumento ng quarry operator.
Ayon kay Carino lahat ng aplikasyon ay dumidiretso sa opisina ng gobernadora kung kaya’t napilitan siyang sumulat sa gobernadora ngunit hindi siya nakatanggap ng sagot ukol rito.
Sinabi naman ni Congresswoman Vergara, ito ay lubos na nakakabahala sapagkat buhay ng kanyang mga kababayan sa Nueva Ecija ang nakataya at nangangamba siya na maaring mangyari ang nasabi ni Carino na pwedeng magkaroon ng trahedya lalawigan ng Nueva Ecija gaya ng nangyari sa Ormoc.
Sa ikalawang pagdinig naman ay lalo pang naging nakakabahala ang mga naisiwalat sapagkat natuklasan rin mula kay EMB Director Claudio na wala ni isa sa quarry operators na may permit ang naisyuhan at nakapagsumite ng Environmental Compliance Certificate (ECC) galing sa DENR.
Kung mayroon mang kapabayaan rito na maaring humantong sa Ormoc 2 ay talagang sangkot ang probinsiya at Gobernador na siyang nag-isyu ng permit kahit walang ECC.
Sa imbestigasyon , napwersa ang EMB na magpadala ng Notice of Violation (NOV) sa lahat ng operator na walang ECC kung kaya’t napatigil ang opersayon sa quarry sa maraming quarry sites.
Sa ikatlong pagdinig naman noong Marso 21, 2018 ay dumalo na ang mag-asawang Gobernador Czarina Umali at dating gobernadora Aurelio Umali na napilitang humarap dahil sa subpoena na inisyu sa kanila ng komite.
Ikinatwiran nila na hindi nag-issue ng quarry permit ang probinsiya kundi commercial sand and gravel permit lamang.
Dito ay nagdahilan na ang pag-issue ng sand and gravel permit ay hindi nangangailangan ng ECC.
Itutuloy ang ikaapat na pagdinig Martes (Mayo 29,2018) kung saan bubusisiin ng komite ang mga iregularidad sa proseso tulad ng kawalang ng kopya ng probinsiya ng hauling slips at ang hindi nila pagsumite nito sa komite kahit ilang ulit na itong hinigi sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.