GSW, wagi vs Rockets sa Game 6 ng NBA West finals

AP photo

Naitabla ng Golden State Warrios (GSW) sa 3-3 series ang 2018 NBA Western Conference finals kontra Houston Rockets.

Pinangunahan ng Warriors shooting guard na si Klay Thompson ang Game 6 matapos makapagtala ng 35 points dahilan para umabot ang final score sa 115-86.

Lamang pa ang Rockets sa Warriors nang matapos ang first half ng laro.

Ngunit umarangkada ang Warriors sa second half ng laro para maidepensa ang NBA championship title.

Nakapag-ambag naman ang Warriors star na si Stephen Curry ng 29 points habang 23 points naman si Kevin Durant.

Nakatakdang isagawa ang Game 7 ng West finals sa court ng Rockets sa Martes.

Read more...