500 pamilyang nasunugan sa Navotas at QC, binigyan ng ayuda ng Palasyo

By Chona Yu May 27, 2018 - 12:27 PM

Credit: SAP Bong Go

Binigyan ng ayuda ng Palasyo ng Malakanyang ang 500 pamilyang nasunugan sa Navotas at Quezon City.

Pinangunahan ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang pamamahagi ng hygiene kit, grocery items, at financial assistance sa mga biktima.

Ayon kay Go, nakikipag-ugnayan na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos mabatid na karamihan sa mga nasunugan sa Navotas ay wala pang titulo ng lupa.

Nakaalalay naman aniya ang National House Authority (NHA) at Department of Agriculture (DA) para sa mga nasugan sa Barangay Vasra sa QC.

Bukod sa Malakanyang, nagbigay din ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), at PAGCOR.

TAGS: DA, doh, dswd, Malakanyang, NHA, pagcor, SAP Bong Go, sunog, DA, doh, dswd, Malakanyang, NHA, pagcor, SAP Bong Go, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.