Ancajas, naidepensa ang IBF Super Flyweight title

Inquirer file photo

Naidepensa ng Filipino boxer na si Jerwin “Pretty Boy” Ancajas ang kanyang International Boxing Federation (IBF) Super Flyweight crown matapos talunin ang kapwa-Pinoy boxer na si Jonas Sultan sa Fresno, California.

Unanimous ang naging desisyon ng tatlong judge pabor kay Ancajas.

Hindi pinaporma ni Ancajas si Sultan sa mga unang round matapos magpakawala ng malalakas na right hook.

Nagpasalamat naman si Ancajas sa Panginoon at pareho silang ligtas ni Sultan matapos ang laban.

Read more...