Metro Manila uulanin bukas dahil sa bagyong Lando

By Dona Dominguez-Cargullo October 16, 2015 - 07:03 AM

OCT 16 LANDOPosibleng maapektuhan ng bagyong Lando ang Metro Manila simula bukas.

Ayon kay PAGASA forecaster Samuel Duran, kung ang bagyong Lando ay magpapatuloy sa kasalukuyan nitong direksyon na westward ay mahahagip nito ang Metro Manila.

Dahil dito, bukas ay maari aniyang magtaas ang PAGASA ng public storm warning signal sa NCR.

Bahagya kasi aniyang yumuko ang bagyo. Kung kahapon ay Cagayan at Isabela ang tinutumbok nito, ngayon ay Isabela at Baler na ang direksyon ng bagyo.

Bukas ng umaga ay inaasahang nasa 315 kilometers East ng Baler, Aurora ang bagyo at sa linggo ng umaga ay nasa 60 kilometers north Norteast ng Casiguran, Aurora.

Sa Lunes ng umaga inaasahang lalabas ng Philippine landmass ang bagyo pero sa Martes o Miyerkules pa ito lalabas ng Philippine Area of Responsibility.

TAGS: ForecastTrackofTyphoonLando, LandoPH, ForecastTrackofTyphoonLando, LandoPH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.