Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Leyte dakong 10:20, Linggo ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang episentro ng lindol sa layong 4 kilometers South ng Capoocan.
10 kilometro ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan.
Bunsod nito, naramdaman ang Intensity I sa Ormoc City, Leyte.
Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES