Motorcycle rider, patay matapos mabangga sa isang highway sa Lucena

Patay ang isang lalaking motorcycle rider matapos bumangga sa isang bahay sa Lucena, Quezon Linggo ng madaling-araw.

Batay sa ulat ng pulisya, patungo sana ang hindi pinakilalang motorcycle rider sa city center.

Habang binabagtas ng biktima ang pakurbang bahagi ng highway, bigla itong tumama sa sidewalk dahilan para umabot sa bintana ng isang bahay sa bahagi ng Barangay Mayoo Crossing.

Isinugod pa ng rescue team ang biktima sa pinakamalapit na ospital ngunit idineklara itong dead-on-arrival.

Read more...