Mainit na panahon mararanasan sa buong bansa ngayong araw

Walang namamataang sama ng panahon o low pressure area (LPA) ang Pagasa sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa kasulukuyan.

Ayon sa weather bureau patuloy na umiiral ang easterlies na magbibigay ng mainit at maalinsangang panahon liban na lamang sa mga ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang mararanasan sa buong bansa.

Inasahaang aabot sa 38 degrees Celsius ang maximum temperature sa Tuguegarao City habang 34 degrees Celsius naman sa Metro Manila.

Read more...