Mga pinoy sa Saudi Arabia, pinag-iingat ng gobyerno sa tropical cyclone

By Rhommel Balasbas May 27, 2018 - 05:45 AM

AFP photo

Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa Saudi Arabia sa banta ng tropical cyclone na magdadala ng malalakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng naturang bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na ipinarating na ang mensahe sa mga pinoy partikular sa Najran area kung saan 8,000 Filipino ang naninirahan sa pamamagitan ng Philippine Consulate General sa Jeddah.

Ayon sa pahayag, makararanas ng malakas na mga pag-ulan mula Sabado hanggang Martes base na rin sa abiso ng Saudi General Authority of Meteorology and Environment Protection (GAMEP).

Ayon pa sa DFA, bukod sa ulan inaasahang magdadala ang hangin ng alikabok na makakaapekto sa visibility sa Al Kharkir, Madina, Makkah, Riyadh, Sharqiyah, at Tabuk.

Nag-abiso na rin umano ang Saudi Civil Defense na lumayo sa mga katubigan sa mga lugar na bubuhos ang malakas na ulan.

Hinimok ng kagawaran ang mga Filipino na mangangailangan ng tulong na makipag-ugnayan sa konsulada sa numerong 0555219613 o sa Saudi Civil Defense sa numerong 998.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.