Produksyon ng itlog ng manok sa bansa sa unang bahagi ng taon, lumago – PSA

By Rhommel Balasbas May 27, 2018 - 05:23 AM

AFP File

Sa ikatlong sunod na taon ay lumago ang produksyon ng itlog ng manok sa bansa sa unang tatlong buwan o first quarter ayon sa datos ng Phillippine Statistics Authority.

Pumalo sa 130,549 metric tons (MT) o lumago ng 7.42 percent ang produksyon ng itlog ng manok sa buong bansa na mas mataas sa 121,535 MT noong 1st quarter ng 2017 at 117,842 MT noong 2016 sa kaparehong panahon.

Ayon kay PSA Social Sector Statistics Service officer-in-charge Wilma Guillen, 84.03 percent ng kabuuang bilang ng egg production ay mula sa layer chicken habang ang nalalabing bilang ay mula sa native na manok.

Ang pagtaas sa bilang ng egg production para sa 1st quarter ay bunsod ng mas mataas na produksyon sa CALABARZON na may 39,332 MT at sinundan ng Gitnang Luzon na may 27,533 MT.

Ang pinagsamang produksyon ng dalawang rehiyon ay mahigit kalahati na ng total egg production ng buong bansa sa 1st quarter ng 2018.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.