Sa latest weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay kumikilos patungo sa Aurora at Isabela area.
Huling namataan ang bagyo sa 670 kilometers East ng Baler, Aurora. Taglay nito ang lakas ng hanging abaot sa 120kph at pagbugsong 150kph. Kumikilos ang bagyong Lando sa direksyong Kanluran sa bilis na 15kph.
Nakataas na ngayon ang public storm warning signal number 1 sa mga sumusunod na lalawigan:
Isabela
Cagayan
Kalinga
Mt. Province
Ifugao
Nueva Viscaya
Quirino
Aurora
Nueva Ecija
Quezon including Polillo Island
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Sa Sabado ng gabi o di kaya ay sa Linggo ng umaga ay inaasahang tatama ang bagyong Lando sa Isabela o Aurora.
Ngayong araw makararanas ng maulap na papawirin na may kasamang mahihinang pag-ulan ang Metro Manila at ang mga rehiyon ng Cordillera, Ilocos, at Central Luzon.
Habang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Cagayan Valley, Bicol region, Eastern Visayas at sa mga lalawigan ng Aurora, Rizal at Quezon.