Pinaka-mataas na crime rate sa NCR naitala sa Quezon City
Naitala ang pinakamataas na bilang ng krimen at pinakakaunting kasong naresolba sa bansa sa Quezon City sa unang quarter ng taon, ayon sa Philippine National Police.
Sinuri ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management ang crime volume at dami ng naresolbang kaso sa 36 lungsod sa bansa.
Batay rito, nanguna ang Quezon City sa may pinakaraming krimen.
Umabot sa 12,252 ang insidenteng naitala sa naturang lungsod.
Ayon kay PNP DIDM Crime Research and Analysis Center chief Senior Supt. Noel Sandoval, posibleng dahil ito sa malaking populasyon ng Quezon City.
Aniya, umaatake ang mga kriminal kung saan maraming mabibiktima.
Pumangalawa naman ang Maynila sa may pinakamaraming krimen na naitala sa 7,066 at Cebu sa 3,703.
Pinakamababa naman ang krimen na naitala sa Ormoc City na may 134.
Sinundan ito ng Cotabato na may 220 at Puerto Princesa na may 227 krimen.
Samantala, pinakamarami namang naresolbang kaso ang Las Piñas City na may 95.68% efficiency rate.
Sinundan ito ng Taguig City at Pasig City.
Pinakakaunti naman ang naresolbang kaso sa Quezon City na may 43.08%.
Sinabi ni Sandocal na maglalabas ang pulisya ng memoranda at mga paalala sa high-crime cities para kumilos laban sa mga kriminal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.