Pagdausdos ng competitiveness rank ng bansa ikinabahala ni Gatchalian

Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian sa gobyerno na gumawa ng hakbang para palakasin ang economic competitiveness ng bansa.

Kasunod ito ng pagdausdos ng ranggo ng Pilipinas sa 2018 World Competitiveness Yearbook.

Ipinahayag ni Gatchalian na dapat magsilbi itong wake-up call para palaguin ang business environment ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) at iba pang industriya.

Sinabi ni Gatchalian, pinuno ng Senate Committee on Economic Affairs na bagaman umunlad ang ekonomiya ng bansa, napag-iwanan pa rin ito ng pag-unlad ng mga kalapit-bansa.

Dagdag ng Senador, sa kabila ng Build Build Build program ng Administrasyon ay marami pa ring reporma sa polisiya ang kinakailangan para mapaganda pa ang ekonomiya.

Bumagsak sa ika-50 pwesto ang Pilipinas sa 63 bansa sa 2018 World Competitiveness Yearbook.

Read more...