Umaabot sa 300 kilos ng botcha ang nasabat ng mga otoridad sa magkakahiwalay na bahagi sa lungsod ng Maynila.
Sinabi ni Manila Veterinary Inspection OIC Alberto Burdeos na kabilang sa kanilang nakumpiska ay ilang kilo ng lechon na mula rin sa double dead na karne.
Ipinaliwanag ng opisyal naaabot mula P100,000 hanggang P1,000,000 ang multa para sa mga mapapatunayang nasa likod ng pagbebenta ng kontaminadong meat products.
Mahaharap rin sila sa parusang pagkakakulong ng hindi hihigit sa anim na taon kapag napatunayang sangkot sila sa pagbebenta ng nasabing mga uri ng karne.
Kaugnay nito ay hinikaya’t ni Burdeos ang publiko na kaagad na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sakaling may makuha silang mga impormasyon sa mga nagbebenta ng botcha.
Ipinaalala rin ng opisyal na sa mga tindahan lamang na may accredited ng National Meat Inspection Commission bumili ng mga meat products para na rin sa kanilang kaligtasan.