Missionary work sa Pilipinas itutuloy ni Sister Patricia Fox

By Mark Makalalad May 26, 2018 - 12:32 PM

Photo: Mark Makalalad

Temporary victory lamang kung maituturing ni Australian nun Patricia Fox ang pagpalalawig ng Department of Justice sa kanyang pananatili sa bansa.

Ayon kay Atty. Katherine Panguban, legal counsel ni Fox, hindi sila magpapakampante kahit na paborable sa kanila ang desisyon dahil hanggang sa susunod na buwan lang naman pinalawig ang pananalita ni Fox.

Dagdag pa nya, na-pressure lang ang DOJ dahil sa suporta ng publiko kay Fox kaya naging mabilis ang paglalabas nila ng desisyon.

Dahil dito, uubusin umano nila ang lahat ng legal na remedyo para maibalik ang missionary visa ni Fox.

Umaasa naman ni Fox na masusunod ang due process sa kanyang apela at makakapanatili pa sa bansa.

Kanya ring sinabi na tuloy lang sya sa kanyang missionary works dahil wala naman syang ginagawang mali at trabaho nya ito bilang madre.

Ilan lamang sa ginagawa ni Fox ay ang pagtulong sa mga magsasaka at sa mga Lumad.

Kahapon May 25, nakatakda sanang lisanin ni Fox ang bansa pero dahil sa petisyon na inaprubahan ay DOJ ay mayroong hanggang Hunyo 18 si Fox para umalis sa Pilipinas.

Sa inilabas na dalawang-pahinang kautusan ni Justice Sec. Menardo Guevarra, binigyan ng 10 araw ang BI upang magkomento ukol sa naging apela ni Fox at may limang araw naman ang madre para magbigay ng kanyang komento hinggil sa naging pahayag ng mga immigration officials.

TAGS: guevarra, patricia fox, guevarra, patricia fox

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.