Kumpyansa si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Carlito Galvez Jr na hindi papalya ang rehabilitasyon na ginagawa ng pamahalaan sa Marawi City.
Sa isang press conference matapos ang premiere showing ng pelikula na ang Misyon: A Marawi Seige story, sinabi ni Galvez na pililitin nilang huwag mahalintulad ang Marawi sa Syria, Iraq at Afghanistan kung saan matapos mapinsala ng giyera ay nagkaroon ng problema ang rehabilitasyon kaya umusbong muli ang pinabagong gulo.
Paliwanag ni Galvez, marami silang natutunan sa mga giyera na kinaharap ng ibang bansa at kabilang na dito ang pagtitiyak na ang relihiyon ay hindi nahahaluan ng terroristic activities.
Dagdag pa ng opisyal, puspusan ang kanilang pakikipag ugnayan sa mga local government unit.
Sa katunayan nya anya, nakakakuha sila ng mga suporta sa mga barangay at local offials na babantayan nila ang kanilang mga nasasakupan para hindi mapasok ng mga terorista at nang sa gayon ay hindi sila makapag recruit ng mga bagong miyembro.
Noong May 23 ay ginunita ang unang taon ng salakayin ng Maute-Isis terrorist group ang Marawi City kung saan mahigit isang libong sibiyan, sundalo at pulis ang namatay.