P15K halaga ng shabu nasamsam sa buy bust operation sa QC

Nasabat ng mga operatiba ng Quezon City Police District ang P15,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Barangay Sta. Teresita kagabi.

Todo tanggi ang suspek na nakilalang si Ronald Tabilin, nasa lampas 25 anyos, na sa kanya ang mga sachet ng shabu.

Nagpanggap na buyer ang mga pulis dahilan para maaresto ang suspek ngunit nagkaroon ito ng tyansang makatakas kaya nagkaroon pa ng habulan sa lugar.

Kakasuhan si Tabilin ng paglabas sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...