Earthquake, tsunami monitoring equipment, ibinigay ng Japan sa Pilipinas
Nagbigay ang Japan ng ‘real time monitoring equipment’ sa gobyerno ng Pilipinas na naglalayong mapalakas ang pagbibigay babala sa publiko sakaling magkaroon ng tidal wave o tsunami sa bansa.
Sa isang seremonya, simbolikong tinanggap ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PhiVolcs ang isang ‘seismic intensity meter device’, na isa sa apat na mahalalahagang bahagi ng naturang instrument.
Isinagawa ang turn-over cermeonies kasabay ng paggunita ng bansa sa ikalawang taong anibersaryo ng magnitude 7.2 na lindol na tumama sa lalagiwan ng Bohol.
Ayon kay Phivolcs Director, Renato Solidum, kabilang mga ibinigay ng Japan ay 10 broadband strong motion seismometers, 36 strong motion seismometers, 19 sea-level monitoring stations, and 240 intensity meters na ikakabit sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Kasama sa turn-over ceremonies si Japanese Ambassador Kazuhide Ishikawa at Noriaki Niwa, na chief representative to the Philippines ng Japan International Cooperation Agency o JICA.
Ipinaliwanag ni Niwa na tulad ng Japan, isa ang Pilipinas sa mga earthquake-prone areas sa mundo na nasa loob ng tinatawag na ‘Pacific ring of fire’ kaya’t mahalagang magkaroon ng paraan upang mas mapapabilis ang pagproseso ng impormasyon sakaling magkaroon ng lindol at tsunami.
Simula aniya nang maganap ang Great East Japan Earthquake noong 2011, lalo pang pinaigting ng Japan ang kanilang mga paraan sa mga lindol at tsunami.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.