Pangulong Duterte, lilipad pa-Korea sa Hunyo para sa isang official visit

By Rhommel Balasbas May 26, 2018 - 05:38 AM

Nakatakdang bumisita sa South Korea si Pangulong Rodrigo Duterte sa June 3 hanggang June 5.

Ito ang inanunsyo ng South Korean Presidential Office kung saan makakapulong umano ng pangulo si President Moon Jae-in sa June 4.

Ayon sa ulat, tatalakayin ng dalawang lider ang pagpapatibay sa relasyon ng Pilipinas at South Korea.

Hindi pa naman kinukumpirma ng Department of Foreign Affairs ang naturang ulat.

Ang pag-anunsyo ng South Korea sa pagbisita ni Duterte ay naganap sa kasagsagan ng pagbabalik ng tensyon sa rehiyon matapos ang kanselasyon ni US President Donald Trump sa nakatakda sanang pulong kasama si North Korea leader Kim Jong Un sa Singapore sa June 12.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.