Bumaba ang remittances ng mga Pilipinong nasa abroad sa nakalipas na buwan ng Agosto kumpara noong nakaraang taon.
Ayon sa Bangko Sentral ng PIlipinas, ito ang unang pagkakataon na bumaba ang mga OFW remittances.
Ang huling pagbaba ng OFW remittance ay naitala noon pang April 2003.
Ayon sa BSP, umabot lamang sa 2.04 bilyong dolyar ang kabuuang remittances ng mga OFW noong August na mas mababa ng 0.6 percent year-on-year.
Sa unang walong buwan ng taon, mataas ng 4.1 percent o katumbas ng 16.21 bilyong dolyar ang OFW remittances ng bansa.
Ayon sa ilang mga trade experts, posibleng may kinalaman ang matamlay na economic prospects sa mga oil-producing countries kung saan maraming Pilipino sa pagbaba ng mga remittances.
Gayunman, umaasa pa rin ang mga eksperto na tataas pa muli ang mga remittance sa susunod na mga buwan hanggang sa matapos ang taong 2015.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.