PCG, patuloy ang paghahanap sa nawawalang mangingisda sa Corregidor Island
Hinahanap pa rin ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isa pang mangingisda na nawawala matapos lumubog ang isang bangkang pangisda sa South Channel ng Corregidor Island sa Cavite.
Aksidenteng nagkabanggaan ang bangkang pangisda “Marlyd DLS 55” at “Susana” noong uwebes, May 24.
Patungong Palawan sana ang “Marlyd DLS 55” nang aksidenteng mabangga nito ang bangkang “Susana” na nangingisda.
Ayon sa mga saksi, malaki ang tinamong pinsala ng “Susana”na lumubog agad matapos ang banggaan kasama ang limang mangingisda.
Nagsagawa ng search and rescue operations ang dalawang crew ng “Marlyd DLS 55” kung saan dalawang mangingisda ng “Susana” ang kanilang nailigtas at 2 bangkay ang kanilang natagpuan.
Dinala sa pinakamalapit na ospital ang mga nailigtas na mangingisda para sa agarang lunas at dinala naman ang dalawang bangkay sa L.A. Funeraria Central sa Navotas City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.