PDEA, nagsagawa ng grey-hound operation sa Mandaue Jail

By Mary Rose Cabrales May 25, 2018 - 06:23 PM

Photo c/o: Cebu Daily News

Sinalakay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Mandaue jail Biyernes ng umaga (May 25).

Nasabat sa isinagawang grey-hound operation ang mga iligal na droga, electrical gadgets, drug paraphernalia at pera na pinaniniwalaang mula sa illegal drug trade sa loob ng kulungan.

Ayon kay Senior Insp. Ricky Romaguera, Deputy Chief ng Opao Police Station, binuksan ng isa sa kanyang mga tauhan ang isang pundidong ilaw na nasa selda ng isang sang nagngangalang Steve Go at tumambad sa kanila ang 2 medium packs ng hinihinalang shabu.

May mga nakumpisaka ring weighing scale, mobile phone, phone chargers, earphones at P64,004 halaga ng pera na pinaniniwalaang drug money.

Negatibo naman sa ipinagbabawal na gamot ang female dorm kung saan may 174 inmates.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.