Ayon sa PAGASA heat index forecast, ang nasabing temperatura ay maituturing na nasa danger zone na.
Nagbabala ang ahensya na posibleng makaranas ang mga tao ng heat cramps, heat exhaustion at heat stroke na nasa danger zone.
Noong April 22 lang ay umabot sa 47.7 degrees celsius ang temperatura sa Sangley Point.
Dahil dito ay nagpayo ang PAGASA at mga eksperto na gawin ang sumusunod para maiwasan ang heat stroke:
– Sumilong at iwasang nakababad sa sikat ng araw.
– Magsuot ng preskong damit gaya ng mapupusyaw na kulay dahil nare-reflect nito ang sikat ng mainit na araw.
– Laging uminom ng tubig at umiwas sa pag-inom ng alak dahil pwede itong maging dahilan ng dehydration.
– Umiwas sa mga pagkain na mataas sa protina dahil pwedeng nitong pataasin ang metabolic heat ng katawan.