Mainit na temperatura sa Sangley Point, Cavite, posibleng maging mapanganib

May 25, 2018 - 03:31 PM

Pinag-iingat ang mga residente sa Cavite sa posibleng heat stroke dahil inaasahang aabot sa 41.3 degrees celsius ang temperatura sa lalawigan partikular sa Sangley Point sa araw ng Linggo.

Ayon sa PAGASA heat index forecast, ang nasabing temperatura ay maituturing na nasa danger zone na.

Nagbabala ang ahensya na posibleng makaranas ang mga tao ng heat cramps, heat exhaustion at heat stroke na nasa danger zone.

Noong April 22 lang ay umabot sa 47.7 degrees celsius ang temperatura sa Sangley Point.

Dahil dito ay nagpayo ang PAGASA at mga eksperto na gawin ang sumusunod para maiwasan ang heat stroke:
– Sumilong at iwasang nakababad sa sikat ng araw.
– Magsuot ng preskong damit gaya ng mapupusyaw na kulay dahil nare-reflect nito ang sikat ng mainit na araw.
– Laging uminom ng tubig at umiwas sa pag-inom ng alak dahil pwede itong maging dahilan ng dehydration.
– Umiwas sa mga pagkain na mataas sa protina dahil pwedeng nitong pataasin ang metabolic heat ng katawan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.