Nadagdagan pa ang bilang ng mga paaralan na sapul ng West Valley at East Valley fault.
Ayon sa Department of Education (DepEd), walong private schools at isang Public High School ang kabilang sa bago nilang listahan ng mga paaralan na nasa ibabaw ng fault line.
Ang mga eskwelahan na may mga gusali na sapul ng West Valley Fault ay ang Ateneo De Manila University sa Quezon City, Army’s Angels Integrated School at Sto. Niño Catholic School sa Taguig City, Our Lady of the Abandoned Catholic School; Ideal Montessori Center Inc.; APEC school at Muntinlupa Institute of Technology sa Muntinlupa City; at ang St. Therese of the Child Jesus Annex sa San Pedro Laguna.
Ang public school naman na tinamaan ng East Valley Fault ay ang mascap National High School sa Rodriguez rizal. Habang pat pang public schools sa Rodriguez Rizal ang malapit o nasa five-meter buffer zone kabilang ang Macabud National High School, Tagumpay Elementary School, Tagumpany National High School at Mascap Elementary School.
Ayon kay DepEd Sec. Armin Luistro, inatasan na nila ang mga School Principals para alamin ang eksaktong mga gusali na nasapul ng fault line gamit ang mapa mula sa Phivolcs.
Sa Ateneo, ang tatlong gusali sa Ateneo de Manila Grade School na tinamaan ng West Valley Fault ay hindi na ginagamit.
Ayon naman kay APEC Mutinlupa head Ernie Cifra, isinara na rin nila ang gusaling nasapul ng fault line at ang mga apektadong estudyante ay inilipat sa pinakamalapit na branch./ Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.