Panukalang National ID system, lalagdaan ni Duterte oras na matanggap ito
Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na lagdaan agad ang panukalang National Identification (ID) system oras na ito ay kanyang matanggap.
Sinabi ito ni Presidential spokesman Harry Roque sa kasunod ng pagpasa sa bicameral committee ng bersyon ng Senado ng nasabing panukala.
Ang National ID system ay kasama sa priority legislation na isinusulong ng Administrasyong Duterte.
Layon ng panukala na pag-isahin ang iba’t ibang ID na ini-isyu ng gobyerno sa pamamagitan ng nag-iisang Philippine Identification System o PhilSys.
Sa ilalim ng panukala, ang Philippine Statistics Authority ang mangangasiwa at custodian ng impormasyon ng mga naka-rehistro sa PhilSys.
Kabilang sa impormasyon na nakalagay sa National ID ang buong pangalan, larawan, fingerprint at kaarawan ng isang indibidwal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.