Pagdinig sa bail petition ni Taguba, ipinagpaliban

INQUIRER FILE

Ipinagpaliban ng korte ang pagdinig sa bail petition ni Customs broker Mark Taguba kaugnay ng P6.4 bilyon shabu smuggling.

Dumalo sina Taguba at ang consignee ng kargamento na si Eirenen Tatad sa pagdinig ngayong araw.

Napagkasunduan ng kampo nina Taguba, at Tatad ng prosekusyon at ng mga abogado na tapusin muna ang pagmamarka ng ebidensya bago ang pre-trial at bail petition hearings.

Ayon sa prosekusyon sa pangunguna ni Assistant State Prosecutor Rodan Parrocha, ito ay para maging maayos ang presentasyon ng ebidensya.

Ayon kay Judge Rainelda Estacio-Montesa ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46, pagbabatayan ng korte ang ebidensyang ipepresenta ng proeskusyon sa magiging desisyon sa hiling ni Taguba na maglagak ng pyansa.

Magtatagal ang pagmamarka at inspeksyon sa ebidensya sa June 6 at 14. Oras na matapos ito, nakatakda sa June 20 ang pre-trial habang sa June 27 naman nakatakda ang bail hearing.

 

Read more...