Vilma Santos, tatakbong kinatawan ng Lipa

By Kathleen Betina Aenlle October 16, 2015 - 04:46 AM

 

Mula sa bandera. inquirer.net

Iiwan na ng aktres na si Vilma Santos ang posisyon nitong gobernador ng Batangas.

Ito ay dahil naghain na ng kaniyang certificate of candidacy (COC) si Santos bilang kinatawan ng bagong distrito ng Lipa City.

Samantala, apat na kandidato ang mag-aagawan sa lilisaning posisyon ni Santos, ito ay sina Agap Rep. Nikki Briones, Rep. Mark Llandro Mendoza, Rep. Hermilando Mandanas at si Vice Gov. Mark Leviste na inendorso ni Santos.

Ang makakalaban naman ni Santos ay si Bernadette Sabili ng National Unity Party at asawa ng kasalukuyang mayor ng Lipa City na si Meynard Sabili.

Naging usap-usapan rin ang pagtakbo ng anak ni Santos na si Luis Manzano bilang kaniyang kahalili, ngunit nanatili lamang itong usap-usapan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.