National ID system, makakatulong sa pagsugpo ng krimen – PNP

Naniniwala ang Philippine National Police na mapabibilis ang pagresolba sa mga krimen ang isinusulong na National identification (ID) system.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao, tiyak kasing sapul sa National ID syetem ang mga rebelde dahil maapektuhan dito ang kanilang mga transaksyon sa gobyerno man o pribadong sektor.

Pahayag pa ni Bulalacao, magiging malaking tulong sa panahon ng kalamidad ang sistema kung saan nahihirapan ang mga otoridad na makilala ang mga casualty.

Sa kabila naman ng mga pagtutol ng mga militanteng grupo, iginiit naman ng opisyal na walang dapat ikabahala sa National ID system kung wala ka namang ginagawang masama o labag sa batas.

Tinitiyak niya rin na sa panukalang ito na mapuprotektahan ang privacy at karapatang pantao. /

 

Read more...