2 AWOL na pulis, naaresto sa buy-bust operation sa Rodriguez, Rizal

Courtesy: PNP Calabarzon

Arestado ng Philippine National Police ang dalawang AWOL (absent without leave) na pulis sa ikinasang buy bust operation sa Rodriguez, Rizal noong May 24.

Sa isinagawang press conference sa Camp Vicente Lim sa Laguna, iprinsenta ni Chief Supt. Guillermo Eleazar, Regional Director ng PNP 4A ang mga suspek na sina PO2 Benjo Villanueva at PO1 Ivan Henrick Ramos.

Labing-isang taon sa serbisyo si Villanueva pero Marso nitong taon ay hindi na ito nag-report habang si Tabas naman ay 2016 pa nag-AWOL.

Nakuha mula sa dalawa ang limang pakete ng hinihinalang shabu at dalawang calibre 9mm na baril na may 30 pirasong live ammunition.

Mahaharap ang mga AWOL na pulis sa patong patong na kaso kabilang na ang paglanag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Unlawful possession of firearms.

 

Read more...