Pagbuo ng task force na tututok sa motorcycle criminals at gun-for-hire groups, kinukonsidera ng PNP

By Mark Makalalad May 25, 2018 - 09:13 AM

INQUIRER FILE

Kasunod ng serye ng mga patayan na kinasasangkutan ng mga suspek na nakamotorsiklo, ikunukunsidera ngayon ng Philippine National Police ang pagbuo ng Task Force na tutok sa pagsugpo sa motorcycle criminals at gun for hire groups.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. John Bulalacao, aminado syang may mga pagkakataon na hindi naman talaga agad nahuhuli ang mga motocycle criminals kaya isa ngayon sa mga tinitignan nila ang mas epektibo na paraan para labanan ang mga ito.

Pero pagtitiyak ni Bulalacao, may mga ginagawa naman na hakbang ang PNP hinggil dito.

Partikular nyang tinukoy ang Enhanced Managing Police Operations na strategy na sinusunod ng PNP na nakatuon sa mga krimen, paglalatag ng mas maraming mga check points, at pagsasagawa ng ibat ibang Oplan.

Samantala, sinabi naman ni Bulalacao na kumpyansa naman sya sa mga provincial at regional director na hindi sila kailangang susian pa para aksyunan ang mga patayan.

TAGS: Gun for hire, motorsiklo, PNP, riding in tandem, task force, Gun for hire, motorsiklo, PNP, riding in tandem, task force

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.