Kasong pagnanakaw ng kuryente, isasampa rin kay Ardot Parijinog

PNP Photo

Kakasuhan ng Philippine National Police (PNP) ng pagnanakaw ng kuryente ang pugante na si Ricardo “Ardot” Parojinog, na inaresto ng mga Taiwanese authorities noong Miyerkules.

Ayon kay PNP Spokesman Csupt John Bulalacao, bukod sa Republic Act 10591 o paglabag sa Comprehensive firearms law at Republic Act 9156 o pagpabag sa explosives law, dagdag na kaso ng pagnanakaw ng kuryente ang kakaharapin ni Ardot.

Paliwanag ni Bulalacao, anv panibagong kaso ng pagnanakaw ng kuryente ay dahil naman sa natuklasang jumper sa kanyang tahanan noong panahon ng raid.

Magugunitang narecover ng PNP ang mga illegal na armas sa kanyang tahanan nang magsilbi ng search warrant ang PNP sa compound ng mga Parojinog noong nakaraang taon, kung saan napatay matapos manlaban ang kapapatid ni Ardot na si dating Ozamiz mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog Sr.

Wala si Ardot sa kanyang tahanan noong panahong yon at nagtago ng 10 buwan bago ito nahuli sa Taiwan.

Si Ardot ang huling miyembro ng pamilya Parojinog na pinaghahanap ng mga autoridad, kaugnay umano ng kanilang pagkakasangkot sa illegal na droga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...