Pinahintulutan ng Sandiganbayan si dating First Gentleman Jose Miguel o Mike Arroyo na makabyahe patungong Japan at HongKong upang dumalo sa grand reunion ng kanilang pamilya.
Sa resolusyon na inaprubahan ng Fourth Division ng Sandiganbayan, pinapayagan si Mike Arroyo na bumiyahe simula Oktubre 23, hanggang November 3.
Napapaloob sa resolusyon ang kondisyon na tanging sa HongKong at Japan lang ito maaring magtungo sa loob ng mga itinakdang petsa.
Pagkatapos ng kanyang biyahe, inoobliga ang dating First Gentleman na humarap sa korte sa kanyang pagbabalik.
Una nang naghain ng Motion for Leave to Travel Abroad sa korte si Arroyo upang makabyahe upang dumalo sa reunion ng kanyang angkan.
Si Arroyo ay nahaharap sa kasong graft dahil sa pagkakangkot umanoo sa maanomalyang pagbili ng mga helicopter ng PNP noong 2009.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.