Easterlies magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao ngayong araw
Magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang easterlies ngayong araw sa malaking bahagi ng Mindanao.
Ayon sa weather forecast ng Pagasa, ang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan na hatid ng easterlies ay maaring makapagdulot ng pagbaha at landslides sa mga rehiyon ng Davao at Zamboanga Peninsula gayundin sa mga lalawigan ng Maguindanao, Sultan Kudarat, Sarangani at South Cotabato.
Sa Metro Manila naman at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na mayroong isolated na mga pag-ulan.
Maliban sa easterlies wala nang iba pang weather system na umiiral sa bansa.
Wala ding anomang sama ng panahon na inaasahang papalapit sa bansa sa susunod na mga araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.