Wala ng droga sa Pilipinas sa 2022 – PDEA

By Rhommel Balasbas May 25, 2018 - 06:55 AM

Nanindigan si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na tutuparin ang layunin ng ahensyang gawing malinis ang bansa mula sa iligal na droga sa taong 2022.

Ito ay bilang pagtalima sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa inagurasyon ng bagong localized reformation center sa Cabanatuan City, ipinagmalaki ni Aquino na 200 na sa 3,300 na sumukong drug users sa ‘Oplan Tokhang’ ang graduate na sa reformation center.

Bahagi lamang umano ito sa kabuuang 25,000 na nakatapos na sa comprehensive rehabilitation program sa buong Central Luzon.

Bagaman mahihirapan umano ay tiniyak ni Aquino sa publiko na mayroon silang mga plano para tuldukan na ang kalakaran ng droga sa bansa.

Ani Aquino, sa kasulukuyan apat na lalawigan pa lamang ang idineklara ng PDEA na ‘drug cleared’ na kinabibilangan ng Batanes, Biliran, Bohol at Southern Leyte.

Samantala, hinimok ng opisyal ang mga bagong halal na opisyal ng mga baranggay na makipagtulungan sa PDEA at sa pulisya sa paglaban sa iligal na droga

TAGS: 2022, batanes, Biliran, Bohol, Cabanatuan City, Director General Aaron Aquino, Drug free Philippines, Oplan Tokhang, PDEA, reformation center., southern leyte, 2022, batanes, Biliran, Bohol, Cabanatuan City, Director General Aaron Aquino, Drug free Philippines, Oplan Tokhang, PDEA, reformation center., southern leyte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.