Baril, mga bomba at sangkap sa paggawa ng pampasabog nasabat sa kuta ng NPA sa Cotabato
Nasabat ng mga tauhan ng 19th Infantry Battalion ang isang baril, 3 improvised explosive device (IED), at mga gamit pampasabog sa kuta ng New People’s Army sa Cotabato.
Ang lugar na hinalughog ng mga sundalo ay kuta ng NPA sa Barangay Kinarum, Magpet.
Ayon kay Lt. Col. Ehrlich Noel Paraso, commander ng 19th Infantry Battalion, isang dating miyembro ng NPA na nagbalik loob sa pamahalaan noong Abril ang susi kaya natuklasan nila ang lugar.
Magugunitang noong buwan ng Abril, 34 na miyembro ng NPA ang sumuko sa militar sa Magpet.
Kaugnay nito, hinikayat ni Paraso ang mga rebelde na sumuko at makipagtulungan sa gobyerno.
Aniya ang mga sumukong rebelde ay isinasailalim sa comprehensive local integration program ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.