Patay sa nahulog na bus sa Tanauan, Leyte, umakyat na sa 4

By Rhommel Balasbas May 25, 2018 - 04:16 AM

Umakyat na sa apat ang bilang ng mga nasawi sa nahulog na pampasaherong bus sa isang tulay sa Barangay Buntay, Tanauan, Leyte noong Miyerkules.

Ayon sa Tanauan Police nadagdag sa listahan ng mga namatay ang isang dalawang taong gulang na bata

Nasawi sa insidente ang mga biktimang kinilala na sina Bryan Noterti, 30-anyos; anak ng driver ng bus na 15-anyos at isang 3-anyos na kapatid ng 2-anyos na nadagdag sa casualty.

Anim na lang ang patuloy na ginagamot sa mga pagamutan sa Tacloban City at Palo, Leyte ayon kay Philtranco Area Head for Visayas na si Elmer Basas.

Sasagutin umano ng kumpanya ang gastos ng mga pasaherong patuloy na binibigyang lunas at ang pag-aasikaso sa mga labi ng nasawi.

Samantala, gumulong na ang imbestigasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Regional Office sa insidente.

Matatandaang sinabi ng nakaligtas na drayber ng bus na inagaw ng isang lalaking pasahero ang manibela na dahilan para mawalan siya ng kontrol sa bus.

Pansamantalang pinakawalan ang drayber matapos lumampas ang oras para sampahan ito ng kaso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.