Sr. Patricia Fox hindi na makabalik ng bansa kapag sinuway ang utos ng BI

Posibleng hindi na payagang makapasok pa ng bansa ang Australian missionary na si Sr. Patricia Fox sakaling suwayin nito ang utos ng Bureau of Immigration (BI) hinggil sa kanselasyon ng kanyang missionary visa.

Pinayuhan ni BI spokesperson Dana Sandoval ang madre at ang kanyang mga abogado na boluntaryo na lamang na lisanin ang bansa para maiwasan na ring magbaba ng hiwalay na utos ang ahensya ng expulsion nito sa Pilipinas.

Sakaling mag-utos ng expulsion ay tuluyan nang hindi ito makakapasok sa bansa dahil kasama na siya sa immigration blacklist.

Ipinaliwanag ni Sandoval na sa ibinabang utos ng BI ay walang nakalagay na blacklisted na ang madre at hindi na ito papapasukin ng bansa.

Dahil dito, maaari naman umanong bumalik si Sr. Fox sa Pilipinas sa kahit anong oras nito gusto sa pamamagitan ng tourist visa.

Read more...