Duterte, puwede pang magpasa ng COC sa pagka-presidente

By Kathleen Betina Aenlle October 16, 2015 - 04:36 AM

 

Inquirer file photo

Maaari pang tumakbo bilang pangulo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, maaari pa ring maghain ng certificate of candidacy si Duterte sakaling magbago pa ang isip nito at tumakbo sa mas mataas na posisyon kaysa sumabak sa reelection.

Batay kasi sa mga patakaran ng Comelec, papayagan pa rin ng komisyon si Duterte na i-withdraw ang kaniyang COC sa pagka-alkalde ng Davao City basta gagawin ito sa loob ng itinakdang filing period.

Ani Jimenez, kailangan lang ni Duterte ipaliwanag kung bakit niya iwi-withdraw ang nai-hain na niyang COC.

Kahapon ay naihain na ng executive assistant ni Duterte ang kaniyang COC para sa muling pagtakbo bilang alkalde ng Davao City.

Ilang beses na ring inihayag ni Duterte ang kaniyang kawalan ng interes sa pagtakbo bilang presidente, pero masugid pa rin ang mga sumusuporta sa kaniya sakaling mabago pa ang isip nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.