Dalawang buwang window para sa peace talks, make or break para kay CPP Founder Joma Sison

Tinawag na make or break para kay Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison ang dalawang buwang window na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa isinusulong na peace talks.

Sa talumpati ng pangulo sa inagurasyon ng Davao River Bridge sa Carlos P. Garcia Highway sa Davao City, ay sinabi ng pangulo na ginagarantiyahan niya na ligtas na makararating sa bansa si Sison mula sa the Netherlands kung saan ito nakakuha ng political asylum.

Ayon sa pangulo, kapag wala pa ring nangyari ay personal niyang iiskortan si Sison sa airport para umalis na ng Pilipinas.

Aniya pa, pakikiusapan niya si Sison na huwag nang bumalik sa bansa dahil kapag umuwi pa ng Pilipinas ay kanya itong papatayin.

Marapat lamang aniya na patayin na si Sison dahil sa dami ng mga sundalo at pulis na pinapatay nito sa rebeldeng grupo.

Read more...