Pampasaherong bus tumaob sa Batangas

By Mark Makalalad May 24, 2018 - 10:01 PM

Apatnapu sa 57 na pasahero ng tumaob na bus sa Batangas at nilalalapatan na ng lunas sa hospital, habang isa ang kritikal.

Ito ay makaraang tumaob ang Dela Rosa Liner Bus sa Tanuan City, Batangas.

Kinilala ni Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar, Regional Director ng CALABARZON Police ang biktima na si Mary Labay, 74 na taong gulang at tubong Oriental Mindoro.

Dagdag pa ni Eleazar, 57 ang kabuang sakay ng bus ang dinala sa ospital para magpa-check up pero 40 sa kanila ang na-admit.

24 sa kanila ay dinala sa CP Reyes Hospital habang 16 naman ang dinala sa Mercado Hospital sa Tanauan City.

Ito ay sina:
1. Genelyn Perber, 45, Calapan City;
2. Gomercindo Ranido, 59, Pinamalayan, Oriental Mindoro ;
3. Jomer Ranido, 25;
4. Gina Mendoza, 22;
5. Janine Sargento, 14;
6. Kaith Caryl Ornos, 13;
7. KC Campollo, 12;
8. Krizcian Delin, 3;
9. Ophelia Sargento, 49;
10. Rhealyn Ranido, 24;
11. Goody-goody Lamboloto, 26, Oriental Mindoro;
12. Jerome Ranido, 24, Oriental Mindoro;
13. James Tolentino, 12, Oriental Mindoro;
14. Gloria Delin, 58, Bongabong Mindoro;
15. Serapin Velasco, 65, Pinamalayan, Mindoro;
16. Juanito Pangilinan Jr., 15, Calapan City

Sinabi naman ni Superintendent Edwin Quilates, Batangas Provincial Director na ang driver ng bus na si Joselito Nono ay nasa kustodiya na ng Highway Patrol Group.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, ala-1:15 ng hapon kanina habang binabagtas ng bus ang Northbound ng STAR Tollway ay tumaob ito matapos mawalan ng kontrol ang preno dahil sa pag-iwas sa sasakyan sa harapan nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.