BBL sesertipikahang urgent bill ni Pangulong Duterte bago ang May 30

By Chona Yu May 25, 2018 - 12:32 AM

Sesertipikahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang urgent bill ang Bangsamoro Basic Law (BBL) bago mag-adjourn ang Kongreso sa Mayo 30.

Sa pulong balitaan sa Marawi City, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi naman inaantala ng pangulo ang pag-sertipika bilang urgent bill sa BBL kundi nais lamang nito na masiguro na magkatugma ang bersyon ng Kamara at Senado.

Ani Roque, “Wala naman pong dahilan para maantala iyong certification as urgent. Even without the certification as urgent naman po, pinapasa ng parehong kapulungan ng Kongreso iyong BBL. Pero siguro po, sinisigurado lang ng Office of the President na magkapareho iyong panukalang batas—iyong pinal na panukalang batas na nakabinbin po ngayon sa House of Representatives at saka sa Senado. So kinakailangan po kasi ‘yan, parehong-pareho para mapabilis; at kapag certified urgent ‘yan, pupuwede na pong maaprubahan ‘yan sa isang araw, on second and third reading ‘no. So tingin ko po, iyon ang pinag-aaralan lang, kung mayroong pagkakaiba sa bersiyon ng House at saka ng Senate.”

Dagdag ni Roque, buo rin naman ang suporta ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) maging ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa BBL.

Sinabi pa ni Roque na inclusive ang isinusulong na BBL dahil kalahok ang lahat ng sektor at kinunsulta ang mga lumad at naging miyembro pa ng Bangsamoro Transition Commission (BTC).

Umaasa ang Palasyo na maipapasa ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang BBL bago ang May 30.

Ayon kay Roque, nagkaroon na ng caucus ang Kamara at nagkasundo ang mga mambabatas na tatalakayin ang BBL bago magtapos ang sesyon sa Mayo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.