Sumuko sa militar ang 15 miyembro ng Maute Group.
Ayon kay Colonel Romeo Brawner, commander ng Joint Task Group Ranao, kumpirmadong sumuko ang nasabing mga terorista.
Wala naman nang ibinigay na ibang detalye ang militar kaugnay ng sumukong mga teroristang Maute members.
Ang Maute group na sinasabing kaalyado ng Islamic State ang naglunsad ng limang buwan na gulo sa Marawi City.
Ang giyera ay nag-iwan ng mahigit 1,000 kataong namatay.
Una rito ay 27 Maute extremists ang iprinisinta kay Pangulong Rodrigo Duterte nang bumisita ito sa Marawi.
Dahil sa pinakahuling pagsuko ay nasa 42 na ang kabuuang bilang ng Maute members na nasa kustodiya ng gobyerno.
MOST READ
LATEST STORIES