Kongreso hiniling na sertipikahang urgent ni Pangulong Duterte ang BBL

By Rohanisa Abbas May 24, 2018 - 11:02 PM

Hiniling ng liderato ng Kamara kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sa liham na may petsang May 23, hiniling nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Majortiy Leader Rodolfo Fariñas na sertipikahang urgent ang House Bill No. 6475.

Sinabi ng liderato ng Kamara na target nilang maipasa ang panukalang batas bago mag-adjourn ang sesyon ng Kamara sa June 2.

Ang House Bill 6475 ay ang bersyoon ng BBL na isinulong ni Alvarez batay sa bersyon na isinumite ng Bangsamoro Transition Commission kay Duterte. Lumusot na ito sa committee level nang walang inaamyenda.

Layunin nitong wakasan ang kaguluhan sa Mindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.