Mga nasunugan sa Barangay Basra, tinulungan ng QC local government

By Jong Manlapaz May 24, 2018 - 10:40 PM

Nasa mahigit 300 pa ring pamilya ang nagtitiis na matulog sa semento sa amphitheater matapos masunugan sa Barangay Basra, Quezon City.

Ilang residente ang bumalik sa kanilang nasunog na bahay para tignan kung ano ang pwede pa nilang maisalba.

Si Aling Susan Merca, tanging ulo ng martilyo na lamang ang nakuha niya sa kanilang bahay.

Habang ang ilan ay kinuha ang pwedeng ipakilo gaya ng bakal, tanso, yero, kahit ang mga nasunog na LPG tank ay may bumibili din.

Samantala ang Quezon City local government ay naglatag ng health center at kitchen sa lugar.

Nagtayo din ng tent ang local government para may matutulugan ang ilang residente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.