PDEA executive itinalaga bilang bagong Customs Deputy Commissioner

By Den Macaranas May 24, 2018 - 07:57 PM

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Asec. Jesus Fajardo bilang bagong Deputy Commissioner ng Bureau of Customs.

Papalitan ni Fajardo si Dep. Comm. Natalio Ecarma III base sa appointment paper mula sa Malacañang na may petsang May 21, 2018.

Nauna nang lumabas ang report na kasama ang pangalan ni Ecarma sa mga opisyal ng BOC na tumatanggap ng regular na “tara” o lagay mula sa mga smugglers.

Kasama rin sa listahan ang pangalan ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Samantala, sinabi naman ni Fajardo na masaya siyang tinanggap ang bagong tungkulin dahil makakasama niya ang kanyang dating Boss sa PDEA na si Customs Comm. Isidro Lapeña.

TAGS: BOC, deputy commissioner, duterte, ecarma, fajardo, lapeña, PDEA, BOC, deputy commissioner, duterte, ecarma, fajardo, lapeña, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.