Insider itinalaga bilang bagong pinuno ng Tourism Promotions Board
Naitalaga na ang bagong Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board na pumalit na nagbitiw na si Cesar Montano.
Napili ng TPB board of directors ang career executive na si Arnold Gonzales bilang bagong pinuno ng ahensiya na nasa ilalim ng Department of Tourism.
Ang 56-anyos na si Gonzales at 30 taon na sa TPB kung saan ang pinakahuli niyang posisyon na hawak ay ang pagiging market specialist ng ahensya.
Nanungkulan rin si Gonzales bilang OIC sa Domestic Promotions Department ng TPB.
Magugunitang napilitang magbitiw sa kanyang pwesto si Montano makaraang pumutok ang kontrobersiya sa Buhay Carinderia Project ng TPB.
Umaabot umano sa P300 Million ang pondo para sa nasabing ahensiya kung saan ay P80 Million dito ang naibayad na sa PR firme na hahawak ng proyekto gayung hindi pa naman ito nasisimulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.