Kung sinu-sinong mga opisyal ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation ang binubulabog ngayon ng isang newspaper publisher dahil sa kaliwa’t kanang banta sa kanyang buhay.
Hindi nakakapagtaka na maraming threat sa buhay ng mamamahayag na ito dahil sa dami ng mga taong niloko nya gamit ang kanyang mga iligal na gawain.
Front lamang ng “journalist” na ito ang kanyang hindi naman kumikitang dyaryo dahil ang kanyang tunay na negosyo ay ang magpalusot ng mga kontrabando sa pier at escort service naman sa mga airport.
Malawak ang naging koneksyon ang taong ito na ang lahi pala ay nagmula pa sa mainland China.
Dahil sa kanyang pagiging miyembro ng media ay nagawa niyang dumikit sa ilang mga top government officials lalo na nang maging opisyal sya ng isang malaking grupo ng mga mamamahayag.
Bukod sa mga kontrabando sa mga pantalan ay suma-sideline din itong si “Mr. Publusher” bilang Public Relation man ng ilang mga pulitiko.
Isa sa mga naging kliyente nito ay ang isang matandang pulitiko na natalo noong 2013 sa pagka-Mayor sa isang lungsod dito sa Metro Manila.
Nitong mga nakalipas na araw ay isa-isang naglabasan ang mga taong kanyang ginulangan sa kanyang mga iligal na gawain.
Yung iba ay nag-file sa kanya ng asunto pero ang ilan ay silent na lang muna pero ito ang mas lalong ikinatatakot nya dahil baka bigla na lamang daw siyang mag-disappear sa ibabaw ng earth.
Dahil sa mga bantang yan kaya nilapitan nya ang ilang mga dating kaibigan sa Camp Crame at NBI Headquarters.
Pero sadyang inaalat ang Mama dahil ayon sa ating Cricket, karamihan sa kanyang mga contacts ay wala na rin sa pwesto.
Sinubukan pang rumaket ni Mamang Singkit bilang PR man ng isang illegal alien na ngayon ay iniimbestigahan ng kongreso.
Ito palang Mamang ito ang isa sa mga source ng isang mahusay na journalist na ngayon ay naiipit sa isang kontrobersya.
Imbes na kumita ay nabulilyaso ang raket Mr. Publisher at nadagdagan pa ang kanyang problema.
Pati ang ilang mga miyembro ng Media na dating malapit sa kanya lalo na noong opisyal pa sya ng isang malaking samahan ng mga mamamahayag ay isa-isa na ring dumidistansya.
Ang natitirang opsyon na lamang nya ay tumakas at umuwi sa Mainland China para mailigtas nya sa kahihiyan at kapahamakan ang kanyang buhay.
Ang newspaper publisher na ito na ngayon ay hindi na umiinom ng kape dahil sa kinapitan na rin ng matinding nerbyos sa katawan ay si Mr. Y.J…..as in Yellow Jersey.